Tungkol sa Akin

Kilalanin si Mark

Bilang anak ng isang beteranong Marine ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumaki si Mark Warner sa isang pamilya ng uring manggagawa. Ang kanyang pamilya ay lumilipat ng tahanan kada taon. Ngunit palagi siyang nakakapag-aral sa mabubuting pampublikong paaralan. Si Mark ang pinaka-una sa kanyang pamilya na nakapagtapos ng kolehiyo – itinaguyod niya ang kanyang sarili sa George Washington University sa pamamagitan ng pagsasabay ng trabaho at pagkuha ng mga student loan.

Sa simula ng kanyang karera, ipinuhunan ni Mark Warner ang lahat ng kanyang naipon – ilang libong dolyar – para magsimula ng isang kumpanya. Nabigo ito pagkaraan lamang ng anim na linggo. Kaya sumubok siyang muli, ngunit ang sumunod na negosyo ay nabigo na naman pagkalipas ng anim na buwan. Ngunit hindi sumuko si Mark, at nagtagumpay sa kanyang ikatlong pagsubok: isang kumpanya ng cellphone noong panahon na ang lahat ng tao ay gumagamit pa ng telepono.

Ang mga pagpapahalagang humubog sa unang bahagi ng karera ni Mark ang patuloy na gumagabay sa kanya araw-araw sa Senado: ang dedikasyon sa inobasyon, katatagan sa harap ng mga bagong hamon, at ang prinsipyo na ang bawat isa – anuman ang kanilang pinagmulan – ay dapat magkaroon ng parehong patas na pagkakataon na tulad ng nakuha niya.

Noong 2001, nahalal si Mark bilang Gobernador ng Virginia. Bilang gobernador, nakipagtulungan siya sa isang lehislatura na may dalawa-sa-isang mayorya ng mga Republikano upang baguhin ang isang rekord na kakulangan sa badyet tungo sa isang surplus. Nang matapos ang kanyang termino, kinilala ang Virginia bilang “Pinakamahusay na Pinamamahalaang Estado”, “Pinakamahusay na Estado para sa Negosyo”, at “Pinakamahusay na Estado para sa Panghabambuhay na Edukasyon”.

Sa Senado, walang pagod na nagtrabaho si Mark para palakasin ang ekonomiya ng Amerika at lutasin ang mga problema ng mga pamilya sa Virginia. Siya ang naging pinuno sa pinakamalaking pamumuhunan sa imprastraktura sa loob ng kalahating siglo,  pinalawak ng husto ang lokal na pagmamanupaktura sa Virginia, at ipinaglaban ang pagpapababa ng gastusin sa pangangalagang pangkalusugan. Noong 2021, naging tagapangulo si Mark ng Senate Intelligence Committee, kung saan nakilala siya bilang isang pangunahing pinuno sa pagprotekta sa pinakamataas na antas ng pambansang kaligtasan ng Amerika.


Si Mark at ang kanyang asawa na si Lisa Collis ay nakatira sa Alexandria, kung saan nila pinalaki ang kanilang tatlong kahanga-hangang anak na babae.

Tumatakbo si Mark para sa muling pagkahalal upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban para maprotektahan ang mga manggagawa ng Virginia, mapababa ang mga gastusin, at maitaguyod ang inobasyon sa buong bansa. Higit sa lahat, ginagabayan si Mark ng isang malalim na paniniwala na ang bawat Amerikano ay nararapat sa parehong patas na pagkakataon na ibinigay sa kanya upang bumuo ng sarili nilang buhay.