Nararamdaman ng mga Amerikano ang gipit na sitwasyon. Tumataas ang mga presyo, nagmamahal ang pangangalagang pangkalusugan, at mayroon tayong sistema ng buwis na mas pinapaboran ang pinakamayayaman kaysa sa mga nagtatrabahong pamilya. Sa halip na tulungan at palakasin ang middle class, binawasan ni Donald Trump and mga buwis para sa mayayaman habang ang kanyang mga tariffs naman ay nagpapamahal sa mga pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng mga groseri, pabahay, at gamot.
Kasabay nito, binabago ng artificial intelligence (AI) ang paraan ng ating pagtatrabaho, subalit walang seryosong plano para tulungan ang mga manggagawa sa mga magiging epekto nito. Kung wala ang matalinong mga patakaran na may malalim na pagtingin sa hinaharap, maaaring lumikha ang AI ng mas maraming kawalan ng pagkakatao kaysa sa pagkakataon.
Kailangan natin ng isang ekonomiya na nagpapahalaga sa pagtatrabaho, hindi lang sa kayamanan. Nangangahulugan iyan ng mas patas na patakaran sa buwis, abot-kayang pangangalagang pangkalusugan, at isang adyenda para sa inobasyon na magpapalago sa middle class at sisiguraduhin na ang bawat manggagawa ay may patas na pagkakataon na magtagumpay.